DND handa sa senate inquiry ng P15.7 bilyon Navy project
MANILA, Philippines — Handang humarap ang Department of National Defense (DND) sa isasagawang imbestigasyon ng Senado hinggil sa kontrobersyal na P15.7 bilyong frigate acquisition project o warship ng Philippine Navy.
Ito ang inihayag ni Defense Spokesman Director Arsenio Andolong dahil sa wala silang itinatago sa nasabing P15.7 bilyong proyekto para sa karagdagang warship ng Philippine Navy at welcome sa kanila ang imbestigasyon na kanila talagang hinihintay.
Magugunita na nais ng mga Senador ng minority bloc na imbestigahan ang nasabing transaksyon kaugnay ng napaulat na paghihimasok dito ni Special Assistant to the President (SAP) Bong Go.
Nitong Martes ay nagsumite ng Senate Resolution # 584 ang mga minority bloc upang imbestigahan ng Senate Committee on National Defense and Security at Congressional Oversight Committee on the AFP Modernization Act upang silipin ang estado ng AFP Modernization Program kabilang na ang warship deal.
- Latest