^

Police Metro

Mag-lover itinumba pag-uwi sa bahay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang mag-live in partner matapos na pagbabarilin sa compound ng kanilang bahay kamakalawa sa Upper Calarian, Zamboanga City.

Ang mga nasawi dahil sa mga tama ng bala sa ulo at katawan ay kinila­lang sina Catherine Santos, at live-in partner nito na tinukoy lamang sa alyas Boy.

Sa ulat, bago naganap ang krimen dakong alas--7:05 ng gabi ay karara­ting lang ng mag-live in sa kanilang tinitirhan nang pagbabarilin ng dalawang lalaki na naghihintay sa kanilang pag-uwi.

Kapwa duguang bumulagta  at binawian ng buhay noon din ang mag-live in habang mabilis na nagsitakas ang mga salarin na sinamantala ang kadiliman ng gabi.

Malaki ang hinala ng pulisya na “love triangle” ang motibo nang pagpatay dahil sa may anak na lalaki ang ginang sa kaniyang dating kinakasama at bago lang ang mga ito sa bahay na kanilang inuupahan noong Enero 4 ng taong kasalukuyan at tuwing gabi lamang ang mga ito umuuwi dahilan sa abala ang mga biktima sa kanilang negosyong ice cream sa Isabela City, Basilan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with