^

Police Metro

Sanofi isinoli ang P1.16-B ng natirang Dengvaxia

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isinauli na ng kumpan­yang Sanofi Pasteur sa gobyerno ang nasa P1.16 bilyon halaga  ng hindi nagamit na mga dengue vaccine na Dengvaxia tulad ng kanilang ipinangako.

Ito ang sinabi kahapon ni Health Secretary Francisco Duque matapos na aminin noong nakaraang taon ng kumpanya na ang vaccine ay makakasama sa mga naturukan na hindi pa nagkakaroon ng sakit na dengue.

“There has already been a refunded amount to the tune of P1,161,000,000. Kaun­ting-kaunti na lang ang kulang,” pahayag ni Duque sa mga magulang ng mga bata na naturukan ng Dengvaxia sa  Pampanga.

“Hindi nangangahulugang tapos tayo diyan dahil kung may ebidensiya o patunay na ikinubli na isang mahalagang impormasyon na nakapagbago sana ng desisyon na isa­gawa ang Dengvaxia program, kung lilitaw ang impormasyon na ito, isisiguro natin na may mananagot,” dagdag pa nito.

Magugunita na noong Lunes ay tinanggap ng Sanofi Pasteur ang kahi­lingan ng  DOH  na isauli ang mga hindi nagamit na Dengvaxia vials, subalit hindi ito nangangahulugan sa isyu ng kalidad ng vaccine.

Noong nakalipas na taon ay ipinahinto ng DOH ang immunization program na kung saan ay nasa 830,000 mag-aaral sa public school ang naturukan na at sinuspinde na rin ang pagbebenta ng Dengvaxia.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with