^

Police Metro

‘Zero budget’ sa mga solon - Alvarez

Gemma Garcia - Pang-masa
�Zero budget� sa mga solon - Alvarez

Pinaliwanag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na ang layunin ng pagpapalit porma ng gobyerno patungo sa federalismo at garantiya na aasenso na ang mga lalawigan dahil direkta na nilang mapapakinabangan ang kita ng kanilang mga lalawigan. Pantaleon Alvarez/Released, File

SA hindi susuporta sa Cha-cha...

MANILA, Philippines — Bibigyan ni House Speaker Pantaleon Alvarez ng “zero budget” ang mga kongresistang hindi susuporta sa isinusulong na Charter Change (Cha-cha) ng administrasyon.

Ito ang naging pahayag ni Alvarez sa harap ng mga taga-Pototan, Iloilo matapos magsagawa ng pa­nunumpa ang mga bagong miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Pinaliwanag ni Alvarez na ang layunin ng pagpapalit porma ng gobyerno patungo sa federalismo at garantiya na aasenso na ang mga lalawigan dahil direkta na nilang mapapakinabangan ang kita ng kanilang mga lalawigan.

“Siyempre, ‘yung ibang probinsiya, ayaw nilang makisama. O ‘di zero budget,” pahayag ni Alvarez.

“Ako naman hindi namimilit eh. Kung ayaw niyong sumama, okay, ginagalang ko ‘yung karapatan niyo. Pero ang sabi ko nga, igalang niyo rin ‘yung karapatan ko para ma-zero kayo sa budget. Di ba? O kaniya-kaniyang karapatan lang ‘yan eh,” wika nito.

“Ay alangan nga namang kayo sumama,’yung leaders nila ayaw sumama, alangan namang pantay? Ano ‘yung sasabihin nung mga kasama ko? ‘Eh pareho lang pala kung sasama tayo o opposition.’ Pareho lang pala. Hindi patas ‘yan,” dagdag pa nito.

Hiniling niya sa mga bagong miyembro ng partido na suportahan at itulak ang federalismo na mag-aangat sa kabuhayan ng mga lalawigan.

“Hanggang ngayon, ayaw nila na palitan itong sistema na ito dahil hanggang ngayon, ang gusto nila, kontrolin ang mga probinsiya, ang mga regions. Ang gusto ng mga leaders sa Manila, sila ang magsasabi kung uunlad tayo o hindi,” wika pa ni Alvarez. 

“Yung kikitain natin sa probinsiya, maiiwan sa probinsiya...Magbibigay na lang tayo ng kontribusyon natin doon sa national government,” pagwawakas ni Alvarez.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with