^

Police Metro

4 NPA terrorists todas sa engkwentro

Joy Cantos - Pang-masa
4 NPA terrorists todas sa engkwentro
Sa ulat, bago naganap ang bakbakan dakong ala-1:25 ng hapon sa nabanggit na barangay ay nagresponde ang tropa ng Army’s 28th Infantry Battalion (IB) sa napaulat na pangha-harass ng tinatayang nasa 20 mga teroristang NPA na nango­ngotong ng pera at pagkain sa mga residente sa lugar.
File

MANILA, Philippines — Patay ang apat na mi­yembro  ng mga teroristang New People’s Army (NPA) nang makasagupa ang tropa ng militar sa isang liblib  na lugar sa Brgy. Marayag, Lupon, Davao Oriental kamakalawa ng hapon.

Sa ulat, bago naganap ang bakbakan dakong ala-1:25 ng hapon sa nabanggit na barangay ay nagresponde ang tropa ng Army’s 28th Infantry Battalion (IB)  sa napaulat na pangha-harass ng  tinatayang nasa 20 mga teroristang NPA na nango­ngotong ng pera at pagkain sa mga residente sa lugar.

Pagdating ng tropa ng pamahalaan sa lugar ay agad silang pinaulanan ng bala ng mga teroristang NPA na nauwi sa palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig.

Tumagal ng sampung minuto ang palitan ng putok ng magkabilang panig bago nagsitakas ang mga tero­ristang komunista patungo sa direksyon ng kagubatan.

Sa isinagawang clea­ring operations ay narekober ang bangkay ng apat na NPA terrorists  na inabandona ng mga nagsitakas nilang kasamahan. Habang wala namang nasugatan o nasawi sa tropa ng pamahalaan.

Nasamsam sa pinangyarihan ng bakbakan ang apat na armas at isang improvised explosive device.

vuukle comment

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with