^

Police Metro

Media outfit ipinasara

Mer Layson - Pang-masa

Tinanggalan nang lisensiya ng SEC...

MANILA, Philippines — Dahil sa pagbabawal na magmay-ari ng kumpanya ang  mga dayuhan sa bansa kung kaya’t ipinasara ng Securities and Exchange Commission nang tanggalan ng lisensiya ang Rappler na isang news website.

Sa 29-pahinang desis­yon, sinabi ng SEC na nilabag ng Rappler ang probisyon sa Konstitusyon kaugnay sa pagbabawal sa mga foreign companies na magpondo o kaya ay magtayo ng media entities sa bansa.

 Ayon sa SEC, ang Rappler ay pinopondohan ng Omidyar Network na pag-aari ng Ebay founder at negosyanteng si Pierre Omidyar.

Pinawalang saysay rin ng SEC ang Omidyar Phi­lippine Depositary Receipts (PDRs) kasabay ng kanselasyon ng Certificate of Incorporation ng Rappler.

 Nabatid na ang desi­s­yon ay nilagdaan ni SEC Teresita Herbosa at tatlong SEC Commissioners, na sina Antonieta Ibe, Ephyo Luis Amatong, at Emilio Aquino.

Hindi naman nakiisa sa pagsasagawa ng desisyon ang commissioner na si Blas James Viterbo.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatitigil niya ang operasyon ng Rappler dahil sa pagpopondo dito ng ilang foreign firms.

Ayon naman sa Rappler na nakalulungkot ang desisyon ng SEC pero itutuloy nila ang kanilang tungkulin na maghatid ng balita sa publiko.

Anang Rappler, “We thought this day would never come, even as we were warned in the first of week of December last year that the Securities and Exchange Commission (SEC) would be handing down a ruling against us.”

“Because we have acted in good faith and adhered to the best standards in a fast-evolving business environment, we were confident that the country’s key business regulator would put public interest above other interests that were at play in this case,” dagdag pa nito.

Naniniwala naman si Senator Richard Gordon na hindi dapat pinakikialaman ang freedom of the press na dapat ay may magandang dahilan ang SEC sa desisyon.

Mahalaga aniyang maipaliwanag ng mabuti ng SEC ang desisyon dahil “in principle” bawal na bigla na lamang isasara ang isang media outfit.

“Dapat siguro inim­bestigahang maigi at pinagtanong sila kung tala­gang… although may rumor talaga na si Maria Ressa ay hindi Filipino so I think dapat pagbigyan nila kung talagang Pinoy yon eh ibalik nila,” sabi ni Gordon.

Ang ginawang pagbawi ng SEC sa license to operate ng Rappler ang kauna-unahang kasaysa­yan sa bansa. —Malou Escudero

 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with