^

Police Metro

Taas-presyo sa petrolyo at kuryente sisirit

Danilo Garcia - Pang-masa
Taas-presyo sa petrolyo at kuryente sisirit

Ayon sa datos ng  Department of Energy (DOE), nasa P2.97 ang dadagdag na ‘excise tax’ sa petrolyo na mag-uumpisa na nga­yong ­Enero 15 at dadagdag pa dito ang panibagong dagdag-presyo dahil sa pagtataas sa presyo ng petrolyo sa internasyunal na merkado. File

Arangkada ng TRAIN law...

CEBU, Philippines — Ngayong dara­ting na linggo ay ma­raramdaman ang malaking pagtaas sa pres­yo ng petrolyo habang sa Pebrero ay sisirit ang presyo ng kuryente dahil sa ‘excise tax’ dulot ng TRAIN (Tax Reform for Accelaration  and Inclusive) law.

Ayon sa datos ng  Department of Energy (DOE), nasa P2.97 ang dadagdag na ‘excise tax’ sa petrolyo na mag-uumpisa na nga­yong ­Enero 15 at dadagdag pa dito ang panibagong dagdag-presyo dahil sa pagtataas sa presyo ng petrolyo sa internasyunal na merkado.

Tinatayang nasa pagitan ng P.80-P.90 sentimos kada litro ang itataas sa presyo ng gasolina kaya maaaring umakyat ang presyo nito ng P3.77-P3.87 kada litro.

Nasa P.40-P.50 sentimos kada litro naman ang iaakyat ng Diesel at Kerosene na aabot sa P3.20-P.3.30 kada litro ang maaaring itaas.

Dahil sa ‘excise tax’ din sa coal at ‘value added tax’ sa ‘transmission charge’, inaasahan naman na aakyat din ng P16.6 ang tinatayang itataas ng bill ng kuryente ngayong Pebrero sa mga kliyente na kumokunsumo ng 200kwH kada buwan.

Paliwanag ng Manila Electric Company (Meralco), 30-33% ng suplay ng kur­yente na kanilang ginagamit ay buhat sa mga ‘coal fire powered plants’ na nasapol ng bagong buwis.

Nakatakdang namang silipin ng DOE ang limang gasolinahan na na-monitor nila na agad nagtaas ng presyo kahit hindi pa epek­tibo ang bagong buwis.

Maaari lamang umanong magtaas agad ng presyo ng kanilang produkto ang mga gasolinahan kung naubusan na ng lumang stock ng petrolyo at bagong suplay na ang kanilang ibi­nibenta.

Maaaring masampahan ng kasong ‘profitee­ring’ ang may-ari ng naturang mga gasolinahan kung mapapatunayan na nagkaroon ng pag-abuso.

vuukle comment

TRAIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with