Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Trike driver niratrat, utas

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang tricycle driver nang ito ay pagbabarilin ng apat na kalalakihan sa Taguig City, kahapon ng madaling araw.

Ang nasawi dahil sa mga tama ng bala sa ulo ay kinilalang si Henry Dela Cruz, 37, ng A. Mabini St., Brgy. Tuktukan ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong ala-1:00 ng madaling araw ay nakatayo ang biktima sa kanto ng Gen. Luna St., nang biglang dumating ang apat na kalalakihan at walang kaabug-abog na pinagbabaril ang biktima.

Nang masigurong patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek na kaswal lang naglakad.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: