Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Government, official at ilang pulis sisibakin ni Duterte

MANILA, Philippines — Ngayon buwan ng Enero ay may nakatakdang sibakin si Pangulong Rodrigo Duterte na isang opisyal ng gobyerno at ilang police officials.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque sa media briefing sa Malacañang dahil siya ang inatasan ng Pangulo na mag-anunsiyo sa sisibakin na government official noong Enero 1 kaugnay sa giyera ng administrasyon laban sa corruption.

Subalit, nagdesisyon si Roque na ipagpaliban na lamang muna ang pag-aanunsiyo.

Bukod sa mataas na government official ay may sisibakin din na mga police officials na nasangkot sa iba’t ibang kaso.

Ayon kay Sec. Roque, dumaan sa due process ang mga police officials na sisibakin din sa puwesto dahil sa pagkakasangkot sa ibat ibang kaso.

Ilang government officials na ang sinibak ni Pangulong Duterte noong nakalipas na taon tulad nina PCUP chairman Terry Ridon at DAP president Elba Cruz.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: