Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

HS student, 2 pa nalunod

MANILA, Philippines — Tatlo ang naiulat na nalunod sa magkakahiwalay na lugar sa Ifugao at Zamboanga City noong Bagong Taon.

Nauwi sa trahedya ang masaya sanang pagdaraos ng Bagong Taon ng isang pamilya matapos malunod sa Magat Dam Reservoir ang 12-anyos na si Kurt Bawi Blanker, high school student, ng Malabon City.

Bago nangyari ang aksidente dakong alas-3:20 ng hapon ay nagtungo sa nasabing dam sa Brgy. Namilangan ang pamilya Blanker para doon idaos ang Bagong Taon.

Nagkatuwaan ang biktima at pinsan nitong si  Rowel Linglingon Bawi, 10, Grade IV pupil, residente ng Brgy. Namila­ngan, Alfonso Lista, Ifugao na maligo sa nasabing dam.

Subalit, napagawi sa malalim na bahagi ng tubig sa dam si Kurt bunsod upang malunod ito.

Nalunod din dakong alas-11:30 ng umaga noong Bagong Taon ang biktimang si Wilson Rania, 42 sa karagatan na sakop ng tanggapan ng BFAR sa RT Lim Boulevard sa  Zamboanga City. 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Sa imbestigasyon, nagkayayaan ang biktima at mga kabarkada nito na maglangoy sa dagat nang tangayin ito ng malakas na alon  at tuluyang lamunin ng dagat.

Narekober ang katawan nito matapos ang ilang oras at dinala sa Brent Hospital pero idineklarang dead-on-arrival.

Dakong alas-3:10 naman ng hapon nang malunod ang  5-anyos na si Mohammad Isa Tala, residente ng Brgy. Kasanyangan ng lungsod sa karagatan na nasasakupan ng Skyview Resort, Brgy. San Roque.

Hindi namalayan ng pamilya ng biktima na napahiwalay ang bata at huli na nang mabatid nilang nalunod ito pagkaraang lumutang ang katawan sa dagat.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: