^

Police Metro

4 niratrat ng tandem

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sugatan ang apat na la­laki na ang isa ay nasa malubhang kalagayan matapos na sila ay pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo habang naglalaro ng cara y cruz kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila.

Isa sa biktima na kinilalang si Reggie Galace, sidecar boy ay nasa malubhang kondisyon sa Mary Johnston Hospital sanhi ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ang tatlo pang biktima ay nilalapatan naman ng lunas sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC)  ay kinilalang sina  Ariane Isidro, sidecar driver, na may tama sa tiyan; Virgilio dela Pena, na nagtamo rin ng tama ng bala sa tagilirian at Emiquel Borromeo, na tinamaan din sa  katawan.

Batay sa ulat, dakong alas-12:14 ng madaling araw ay nagsusugal ang apat sa Gerona St., Tondo nang dumating ang isang motorsiklo at agad na pinaulanan ng bala ang mga biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo nang pamamaril sa mga biktima na kilalang matitino sa kanilang lugar.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with