^

Police Metro

Kagawad inutas ng sinitang binatilyo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 50-anyos na barangay kagawad ang pinagsaksak hanggang sa mapatay ng isang 14-anyos na binatilyo na kanyang sinita sa hindi pa malamang kadahilanan kahapon ng madaling araw sa likod ng simbahan sa Poblacion, Malinao, Aklan.

Ang nasawi ay kinilalang si Gerry David, residente ng Brgy. Manhanip ng nasabing bayan.

Agad naaresto ang suspek na itinago sa pangalang Atong, estudyante, kapitbahay ng biktima.

Batay sa ulat, dakong alas-3:50 ng madaling araw sa likod ng St. Joseph Parish Church ay sinita ng biktima ang suspek kung ano ang kanyang ginagawa sa lugar.

Ikinagalit ito ng suspek at sinugod ng saksak ang biktima na agad nitong ikinamatay.

Ang suspek na iti­nurnover sa kustodya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with