^

Police Metro

‘Urduja’ pumatay ng 46 katao

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa 46 katao ang naitalang nasawi, 86 ang nasugatan habang 33 pa ang nawawala sa pananalasa ng bagyong Urduja  na tumama sa Eastern Visayas Region.

Batay sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD) Region 8, kabilang sa mga nasawi ay 28 sa landslide sa Biliran, 6 sa Leyte, dalawa sa Samar, dalawa sa Ormoc isa sa Tacloban City, Leyte at 3 sa Eastern Samar.

Isang mag-asawa na kinilalang sina Matilde Romero at Masoline Romero, pawang 60-anyos ang iniulat na nasawi sa landslide sa San Fernando, Romblon, habang isang ginang ang nasawi sa Camarines Norte  at ang isa pang biktima ay nalunod naman sa Planas, Masbate.

Naitala naman ng OCD Region 8 at ng iba pang mga lalawigan na apektado ng hagupit ni Urduja ang pagkasugat ng aabot sa 86 katao habang 28 na lamang ang nawawala.

Nabatid na dahilan sa malawakan at malalakas na pag-ulan ay  nagdulot ito ng flashflood  sa mga mababang lugar at landslide sa mga kabahayang naninirahan sa mga paanan ng bundok.

Sa lalawigan ng Biliran ay natabunan  ang ilang mga kabahanan sa Brgy. Lucsoon, Naval at Brgy. Cabibihan, Caibiran kung saan maraming residente ang nasawi.

Kasalukuyan namang kinukumpirma kung kabilang sa mga nasawi ay isang pulis na nilamon ng lupa sa lalawigan ng Biliran.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with