^

Police Metro

PNP inalerto sa anibersaryo ng CPP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa “high state vigilance” ang buong puwersa ng  Philippine National Police (PNP) laban sa nakaambang mas matitindi pang pag-atake ng  Communist Party of the Philippines (CPP) kaugnay ng pagdaraos ng ika-49 taong anibersaryo sa darating na Disyembre 26.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos na hindi hihintayin pa ng PNP na umatake ang NPA at pangungunahan na ang opensiba laban sa te­roristang grupo katuwang ang AFP.

Anya, minobilisa na ng liderato ng PNP ang lahat ng kanilang tactical and maneuver units para sabayan ang pagtugis ng militar sa mga terorista. 

Nagpalabas na rin ng alerto ang PNP National Headquarters sa lahat ng PNP units na paghandaan ang inaasahang paghahasik ng kaguluhan ng mga teroristang New People’s Army (NPA) ang armed wing ng CPP.

Sinabi ng opisyal, base sa  data ng PNP, ang CPP/NPA ay regular na naglulunsad ng mga pag-atake sa panahon ng kanilang anibersaryo. 
Partikular namang binabantayan ay ang mga himpilan  ng pulisya sa mga kanayunan at gayundin ang mga instalasyon ng gobyerno sa mga probinsya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with