^

Police Metro

Du30 binalaan ang Coa sa ‘Lowest Bidder Policy’

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Du30 binalaan ang Coa sa �Lowest Bidder Policy�

Ayon sa Presidente ay hindi niya susundin ang gayung uri ng pamamalakad gayung nasasakripisyo aniya ang kalidad ng isang government project kung saan, pilit na pinagkakasya ang quotation ng isang lowest bidder. PPD/Toto Lozano, File

MANILA, Philippines — Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Commission on Audit (COA) sa ipinatutupad nitong “lowest bidder policy” na isa uri umanong korapsyon.

“Itong sa corruption-matagal ko ng ayaw ‘yan, mayor pa ako. Puputulin ko talaga ‘to. Pipilitin ko pati kayong mga COA makinig kayo. Do not insist on this because mag-aaway tayo at hindi ako susunod sa inyo. Don’t give me that shit. Alam mo itong lowest bid, ito ang nagka-l****-l**** sa ating buhay Pilipino. Matagal na ‘yan. Kung may project diyan, for example, dito buil­ding, 100 million. May mga grupo dito sa Pilipinas umiikot lang ‘yan,” paliwanag pa ng Pangulo sa kanyang mensahe sa ika-39 na kaarawan ni Sen. Manny Pacquiao.

Ayon sa Presidente ay hindi niya susundin ang gayung uri ng pamamalakad gayung nasasakripisyo aniya ang kalidad ng isang government project kung saan, pilit na pinagkakasya ang quotation ng isang lowest bidder.

Idinagdag pa ng pa­ngulo na sa ganitong sistema ay nakikinabang ang ilang governor, alkalde, konsehal at maging ang mga nasa barangay dahil kasama ang mga ito sa mga signatories para umusad ang isang proyekto. 

Inihalimbawa ng Pa­ngulo na kung ang isang proyekto ay aabot sa 1 daang milyong piso, luma­labas na 60 million pesos na lamang talaga ang nagugugol gayung ang 40 percent ay napupunta sa padulas para sa ilang mga kinauukulan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with