^

Police Metro

Drug lords ibalik sa maximum security-Bato

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa na ibabalik niya umano sa New Bilibid Prison (NBP) building 14 o sa maximum security compound ang mga drug lords sa sanda­ling siya’y makapuwesto bilang susunod na chief ng Bureau of Corrections.

Ito aniya ay upang mabantayan nang mahigpit ng Special Action Force (SAF) sa Building 14 ang lahat ng drug lords na sa ngayon umano ay nakakalat lang sa medium security compound tulad nina Peter Co, Sam Lee Chua.

Dahil dito kaya nagkalat pa rin umano ang transaksyon ng droga sa medium security compound kaya pagdating umano ni Bato sa Bureau of Corrections ay ia-account niya ang mga drug lord at ibabalik sa building 14 para hindi na sila makapag-transaksyon ng droga.

Iginiit pa ni PNP Chief na dahil hindi masuhulan ng mga drug lords ang mga miyembro ng SAF kaya naghahanap sila ng paraan para mailipat sa ibang compound na hindi kontrolado ng SAF kaya ang iba ay nasa medium security compound na.

Paliwanag pa ni Dela Rosa na ang paglilipat ng mga drug lord sa Buil­ding 14 ay hindi lamang magtitigil sa transaksyon ng droga kundi mahihinto rin ang pagpasok ng mga cellular phones at mahihinto na rin ang transaksyon ng droga sa labas ng bilangguan.

Ang PNP Chief ay magreretiro sa Enero ng susunod na taon sa edad na 56 subalit pinalawig pa ni Pangulong Duterte ang termino niya ng dalawa hanggang tatlong buwan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with