^

Police Metro

ASG member na wanted, timbog sa QC

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang hinihinalang miyembro ng notoryosong Abu Sayyaf Group (ASG) na isinasangkot sa kasong pagpatay ang nalambat ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa nasabing lungsod kamakalawa.

Ayon kay QCPD Director, P/Chief Supt. Guillermo Lorenzo Elea­zar, ang suspek na si Abdulmuin Yahiya alyas Jayson at Mauhmin Yahiya, 35, at may tatlong taon nang naninirahan sa Basilan St., Salaam Comp., sa Brgy. Culiat, ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Leo Jay Principe ng Isabela City, Basilan Regional Trial Court noong Agosto 2006 pa dahil sa kasong murder, kaya’t walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya ang korte.

Si Yahiya ay hinihinalang miyembro ng ASG dahil sa malapit na ugnayan kay Hadji Taufik Sanihin Yahiya alyas Nonong Yakan at Nonong Yahiya na isa sa mga hardcore members ng ASG at wanted din sa 9 na bilang ng kasong murder at apat na bilang ng kasong frustrated murder.

Naaresto ang suspek dakong alas-10:00 ng umaga sa Tandang Sora Avenue, Quezon City matapos na matukoy ng District Special Operations Unit (DSOU) na pinamumunuan ni P/Supt Rogarth Campo na nagtatago sa Salaam Compound at nagpapanggap na isang tricycle driver.

“Ito pong arrested wanted person ay na­ging miyembro ng Salaam Crime Watch Group at nagsilbi nang maayos, ngunit gusto man niyang magbagong buhay, may pananagutan pa rin siya sa batas. Kaya ako ay lubos na nagpapasalamat sa ating mga kasamahang Muslim sa Salaam Compound sa patuloy na kooperasyon at suporta sa ating mga adhikain,” ani Eleazar.

Pinapurihan ni Eleazar ang kanyang mga tauhan dahil sa matagumpay na pagkakaaresto sa suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with