^

Police Metro

NCRPO ‘full alert’ sa Simbang Gabi

Pang-masa

MANILA, Philippines — Todo bantay na ngayon ang mga operatiba ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga malalaking simbahan sa Metro Manila kaugnay ng pagsisimula kahapon ng tradisyunal na Simbang Gabi para sa pagdiriwang ng kapaskuhan.

Ipinag-utos ni NCRPO Director Oscar Albayalde ang pagpapaigting pa ng police visibility sa bisinidad ng mga simbahan, shopping centers, parks at iba pang matataong lugar sa Metro Manila.

Ang Simbang Gabi ay magtatapos sa Disyembre 24 o sa mismong bisperas ng Pasko kung saan karaniwan nang dumaragsa ang mga deboto ng Simbahang Katolika.

Ang hakbang, ayon kay Albayalde ay upang masiguro ang kaligtasan ng mga deboto  laban sa posibleng pagsasamantala ng mga kawatan tulad ng mga snatchers, bag at pocket slashers, mga holdaper, salisi gang at iba pang elementong kriminal.

Nasa 9,000 pulis ang idineploy ng NCRPO sa iba’t-ibang matataong lugar sa Metro Manila.

Inihayag ni Albayalde na magpapatupad ang NCRPO ng “no break policy” o wala munang holiday break o bakasyon ngayong Kapaskuhan ang mga pulis kaugnay na rin ng ipinatutupad na “full alert” status ng NCRPO.

Inatasan na rin niya ang limang District Directors sa Metro Manila para palakasin ang security measures sa kanilang mga hurisdiksyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with