^

Police Metro

Hagupit ni ‘Urduja’: 3 dedo, 3 nawawala!

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlo katao kabilang ang isang 2-anyos na bata ang nasawi sa flashfloods at landslides habang tatlo ang nawawala dulot ng malalakas na pagbuhos ng ulan sa paghagupit ng bagyong Urduja sa Eastern Visayas Region, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon.

Sinabi ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad,  isang bata ang natagpuang patay sa pagbaha sa bayan ng Mahaplag, Leyte. Isa ring magsasaka ang napaulat na namatay  at isa pa sa landslide naman  sa Biliran.

Ayon kay Jalad, anim na mangingisda ang unang napaulat na nawawala, tatlo rito ay mula sa Eastern Samar at tatlo pa sa landslide sa Biliran, Leyte. Gayunman, nakatanggap ng impormasyon ang NDRRMC na natagpuan na ang tatlong mangingisda na napadpad sa Dinagat Islands.

Samantala, apat naman ang naiulat na nasugatan sa landslides sa Leyte, dalawa sa Biliran at dalawa rin sa lungsod ng Tacloban City.

Naitala na 11,102 ang stranded na mga pasahero gayundin ang 52 sasakyan sa iba’t-ibang mga pantalan ng rehiyon.

Umaabot sa mahigit 38,000 katao ang inilikas sa mga evacuation centers sanhi ng mga malalakas na pagbuhos ng ulan sa Eastern Samar, Northern Samar at Leyte bago pa man mag-landfall ang bagyo nitong Sabado ng ala-1 ng hapon malapit sa San Policarpio, Eastern Samar.

Dahil dito, isinailalim na ng lokal na pamahalaan sa “state of calamity” ang Tacloban City, Leyte at Eastern Samar dahil sa matinding pagbaha, landslides at flashfloods dulot ng bagyo.

Sa report ng Office of Civil Defense (OCD) Region 8, kabilang sa mga inilikas na biktima ay 32,262 sa Eastern Samar; 2,808 sa Samar; 2,856 sa Northern Samar at 472 naman sa Leyte.

Ang kalamidad ay nagdulot pa ng blackout sa Tacloban City at  ilan pang mga bayan sa mga apektadong lalawigan. Samantalang sa Bicol Region, nasa 70 pamilya naman o katumbas na tao ang inilikas sa mga landslide prone areas sa bayan ng Manito, Albay kahapon.

Nakataas ang Tropical Cyclone Warning Signal (TCWS) No. 2 sa Albay, Sorsogon, Masbate kabilang ang Burias at Ticao Islands, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran at  Leyte.

Nasa ilalim naman ng TCWS No. 1 ang  Southern Quezon, Marinduque, Romblon, Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Aklan, Antique, Capiz, Iloilo, Guimaras, Negros Occidental, Northern Negros Oriental, Cebu, Northern Bohol, Southern Leyte at  Dinagat Island. (BANAT NEWS)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with