^

Police Metro

Manila fire: 200 pamilya nawalan ng tirahan

Ludy Bermudo - Pang-masa
 Manila fire: 200 pamilya  nawalan ng tirahan

Umakyat na sa bubong ang mga bumbero na nagpupumilit na maapula ang apoy nang sumiklab ang malaking sunog sa Brgy. Bagbag Urbano St., Novaliches, Quezon City na tumupok sa mga kabahayan ng may 60 pamilya kahapon. Kuha ni Boy Santos

MANILA, Philippines — Malungkot na Pasko at Bagong Taon para sa 200 pamilya matapos silang masunugan ng bahay sa magkahiwalay na insidente sa Sampaloc at Sta. Ana, Maynila kamakalawa ng gabi at kahapon.

Sa ulat ni Sr. Insp. Reden Alumno ng Manila Fire Department, kahapon ng alas 11:22 ng umaga nang sumilklab ang sunog sa  Pasig Line, Paco, Maynila kung saan naapek­tuhan ang nasa 10 kabahayan na tinutuluyan ng 20 pamilya. Umakyat lamang sa ikalawang alarma ang sunog na naideklarang fire-out alas-12:23 ng hapon. Pinaghihinalaang dahilan ang kumislap na kawad ng kuryente na nakita ng ilang residenete bago maganap ang sunog.

Una rito, alas-7:00 kamakalawa ng gabi nang masunog naman ang nasa 12 hanay ng paupahang mga apartment na pawang may kalumaan sa  Alfonzo Mendoza st, panulukan ng Ma. Clara st., sa Sampaloc. Nakatira naman sa mga nasunog na kabahayan ang nasa 180 pamilya.

Ayon sa ulat ni Chief Insp. Crossib Cante ng Manila Fire Dept., umakyat sa ikalimang alarma ang sunog na naideklarang fire-out alas 10:26 ng gabi.

Pawang dominant umano ang kahoy o light materials sa yari ng mga apartment kaya mabilis na kinain ng sunog isa-isa ang magkakatabing apartment na nagsimula sa pinakadulo. Naging mabilis naman sa pagresponde ng nasa 5 fire trucks ng Manila Fire Dept. at 5 truck din mula sa Fire Volunteers.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with