P200K multa sa mall owners na magpapasok ng colorum - LTO
MANILA, Philippines — Nakatakdang pagmultahin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang lahat ng mall owners at operators sa bansa particular sa Metro Manila na mahuhuling nagpapagamit sa kanilang premises ng mga colorum na sasakyan.
Ito ay batay sa ipinalabas na Memorandum Circular (MC) 2017-30 ng LTFRB na nagpaparusa sa mga malls operators at owners na hindi tutulong sa kampanya ng ahensya laban sa mga colorum vehicles.
Hindi dapat pinapayagan ng mga mall operators at owners na gamiting terminal ng mga colorum vehicles ang kanilang mga establisimiento. Ang bawat colorum van ay may multang P200,000 at ganitong halaga din umano ang penalty na igagawad sa mall operators.
- Latest