^

Police Metro

3 drug pusher tiklo sa P.5-M shabu

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong pinaghihinalaang big time drug pusher ang nasakote ng mga operatiba ng Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at nasamsam ang nasa P.5M halaga ng shabu sa isinagawang drug bust operation sa Taguig City kamakalawa.

Ang mga nasakoteng suspek ay kinilalang sina Wena Barber, 42; Madel Espiritu, 32 at Reynaldo Domingo, 43.

Nasakote ang mga  suspek ng mga operatiba ng PDEA Regional Office-National Capital Region (PDEA-NCR) sa ilallim ng superbisyon ni  Director Ismael Fajardo sa Valdez Street, Upper Bicutan, Taguig City.

Bago ang operasyon, sinabi ng opisyal na isinailalim sa masusing surveillance operations ang mga suspek matapos silang makatanggap ng impormasyon hinggil sa aktibong pagtutulak ng mga ito ng droga.

Nasamsam mula sa pag-iingat ng mga ito ang humigit kumulang sa isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P500,000.00.

Hindi na nakapalag ang mga suspek matapos arestuhin ng mga PDEA operatives sa aktong iniaabot ang bahagi ng nakumpiskang droga sa kanilang poseur buyer.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with