^

Police Metro

2 bagong nurse utas sa bangga

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi napakinaba­ngan ng dalawang bagong nurse ang kanilang pro­pes­yon matapos na sila ay masawi nang sumalpok sa barandil­ya ng isang tulay ang kanilang sinasakyan sa highway  ng Brgy. Barrio Luz, Cebu City.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Louis Mitchell Nayre Ferolin at Alexa Eddy Carvajal; pawang nursing graduate ng Batch 2017 Cebu Doctors University (CDU) na kapapasa pa lamang sa Nurse Licensure Examination  noong Nobyembre at ang resulta ay ipinalabas ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Disyembre 12.

Sa naantalang ulat ng Cebu City Police, naaksidente ang sinasakyang Isuzu MU-X (ABN-5206) ng dalawang biktima noong Martes ng madaling araw at namatay ito kinabukasan habang isinasalba ang buhay sa pagamutan.

Sa ulat, minamaneho ni Ferolin ang nasabing sasakyan nang mawalan ito ng kontrol sa manibela habang paak­yat sa flyover dahilan upang ito ay sumalpok sa bakal na barandil­ya ng flyover at sa lakas ng  pagkakabangga ay nagtamo ng matitinding sugat ang mga biktima na kanilang  ikinamatay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with