^

Police Metro

Xmas party fire: 3 patay

Pang-masa
Xmas party fire: 3 patay

Ang nasunog na printing shop sa kahabaan ng  Recto Avenue, Manila kahapon ng umaga na ikinasawi ng tatlong empleyado.  - Edd Gumban-
 

MANILA, Philippines — Sa loob nang pinagdausang Christmas party nasawi ang tatlong kawani ng isang printing shop matapos na sila ay masunog kahapon ng madaling araw sa Claro M. Recto Avenue, Quiapo, Maynila.

Ang  tatlong nasawing kawani ay kinilalang sina Benjie Solis, 28; Ronald Obiedo, 50; na halos natusta at Joel Eva, 50, na naitakbo pa sa Jose Reyes Memorial Medical Center subalit idineklarang dead- on-arrival.

Batay sa ulat, dakong alas-4:30 ng madaling-araw nang sumiklab ang sunog sa Lumandas Printing Press  na pag-aari ni Renato Galicia Lumandas na matatagpuan sa Claro M. Recto Avenue, sa kanto ng Morayta St., Quiapo.

Sa salaysay ng may-ari ng printing shop na doon nila ginawa ang kanilang Christmas party kamakalawa ng hapon at nagtapos ng hatinggabi ang kainan, inuman at kantahan gamit ang videoke machine.

Nang malasing ay naunang nakatulog si Lumandas at nagising bandang alas-9:00  ng gabi para umuwi na sa kaniyang bahay na hindi kalayuan sa lugar at naiwang patuloy pa ang kantahan at inuman ng mga empleyado.

Nagulat na lang umano si Lumandas nang mabalitaang nasusunog na ang printing shop at na-trap sa loob ang mga biktima.

Pinaghihinalaang nagkaroon ng short circuit sa nakakabit na videoke machine o sinindihang sigarilyo na napabayaan ang dahilan ng sunog na hindi alintana ng mga biktima na maaaring tulog dahil sa kalasingan.

Hindi umano agad napasok ang nasusunog na erya dahil naka-padlock ang silid ng gate na kung saan ay naapula ang apoy dakong alas-5:10 ng umaga at nadiskubre ang isa na nakasubsob sa banyo at isa ay nakadapa sa likod ng opisina.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with