^

Police Metro

Mag-ama inutas ng npa

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Niratrat ng mga teroristang New People’s Army (NPA) ang mag-ama sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Hacienda, Brgy. Inabuan, San Francisco, Quezon, kamakalawa ng gabi.

Ang mag-amang nasawi noon din ay kinilalang sina Manolito Alcantara, 48, CAFGU at Randy Alcantara, 29 na STL collector.

Batay sa ulat, bago nangyari ang pamamaril dakong alas-7:30 ng gabi sa Sitio Hacienda, Brgy. Inabuan, San Francisco ay kasalukuyang naghahapunan ang mag-ama nang biglang pasukin ng mga teroristang NPA ang bahay at walang kaabug-abog na pinagbabaril sila.

Natukoy naman na ang grupo ng NPA terrorists na si Joseph delos Santos alyas Ka Bingot/Ka Ken at ilan pa nitong kasamahan ang nasa likod ng pamamaslang sa mga biktima.

Narekober  sa pinangyarihan ng insidente ang 12 piraso ng bala ng cal 5.56 , apat na bala ng cal 9 MM, isang piraso ng cal 5.56.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with