^

Police Metro

Tatay kulong sa pambubugbog sa 2 anak

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Selda ang kinasadlakan ng isang amang seaman matapos na ireklamo ng kaniyang misis ng pambubugbog dalawa nilang anak na lalaki sa Aurora Hills, Baguio City kamakalawa ng hapon.

Ang suspek ay kinilalang si Ruel Cayaban Oller, 39, residente ng No. 40  Bayan Park Village, Aurora Hills ng lungsod.

Ang dalawang anak na kapwa nagtamo  ng mga sugat at galos sa katawan  ay nakilala namang sina Paul Russel Oller, 18 at Patrick Oller, 19.

Sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong ala-1:20 ng hapon sa No. 40 Bayan Park Village, Aurora Hill, Baguio City ay nag-aaway ang suspek at misis nito na sinasaktan ng una kaya’t umawat ang dalawang anak na lalaki.

Pinagbalingan ng suspek ang kanyang galit sa  mga anak na  ginulpi nitong pareho kung saan kapwa nanlalata na ang dalawang biktima ng tigilan nito.

Hindi naman nagdalawang isip ang misis ng suspek na ipagharap ng reklamo ang asawa sanhi  ng pananakit sa dalawa nilang anak.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with