Opisyal ng NPA terrorist sumuko
MANILA, Philippines — Boluntaryong sumuko sa tropa ng militar si Danny Lauda Andip alyas Berni, squad finance logistic ng Squad Abe, Front Committee 53 sa Arakan North Cotabato dahil umano sa hindi na makayanan ang garapalang korapsyon sa liderato ng Communist Party of the Philippines –New People’s Army (CPP-NPA).
Batay sa ulat, bandang alas-12:00 ng tanghali nang sumuko si Andip bitbit ang kaniyang M1 carbine rifle sa tropa ng Army’s 39th Infantry Battalion (IB).
Ibinulgar ni Andip na isang alyas Jecko ang tumatayo bilang Commander ng NPA na kaniyang sinapian ay ibinubulsa umano ang pondo na kanilang nakukubra sa pangongotong sa mga mayayamang negosyante, pulitiko at iba pa.
- Latest