^

Police Metro

Bomber dedo sa shootout

Joy Cantos at Rhoderick Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang pinaghihinalaang notoryus na bom­ber ang nasawi sa isang shootout matapos na ito ay manlaban sa pinagsa­nib na elemento ng pulisya at militar sa hangganan ng Maguindanao at Sultan Kudarat kahapon.

Ang nasawing suspek ay kinilalang si Abubakar Upam alyas Tho.

Sa ulat ni Sr. Supt. Raul Supiter, Provincial Commander ng Sultan Kudarat Police, bago naganap ang insidente bandang alas-7:00 ng  umaga sa kahabaan ng national highway ng Brgy. Dasuli, Isulan, Sultan Kudarat ay nakatanggap ng report ang mga otoridad sa ilang residente hinggil sa kahina-hinalang presensya ng suspek.

Nang dumating ang mga otoridad sa lugar ay kanilang pinapasuko ang suspek, subalit bumunot ito ng baril at pinagbabaril nito ang mga pulis. Gumanti ng putok ang mga otoridad na ikinasawi ng suspek. 

Hindi kaagad naialis ang bangkay ng suspek sa lugar dahilan sa may kargang eksplosibo sa tricycle nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with