^

Police Metro

Magbiyenan patay sa sunog

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang magbiyenan habang apat ang nasugatan sa naganap na sunog kahapon ng umaga sa Sampaloc, Maynila.

Ang nasawi ay kinilalang si Anastacio Cruz, 80 at manugang na si Gerardo Lopez, 50.

Kinilala naman ang nasugatan na sina Rosemarie Gonda, 66 na nabalian ng buto dahil sa pagtalon mula sa ikaapat na palapag na gusali; anak na si Mary Ann; bumbero na si FO1 John Natividad at isang Ritchie Catle, 37.

Sa inisyal na ulat ng Manila Fire Bureau, dakong alas-10:20 ng umaga nang magsimula ang sunog sa bahay ng isang Boy Arthus, sa Francisco St., kanto ng Loreto Street na mabilis kumalat sa mga kalapit na bahay na pawang gawa sa light materials.

Halos isang oras na nagtagal ang sunog bago ito idineklarang under control.

Sa inisyal na imbestigasyon na pinaglaruang posporo ng mga bata ang dahilan nang sunog at inaalam din kung sanhi ng illegal na koneksyon ng kuryente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with