^

Police Metro

Mindanao martial law pinalawig

Gemma Garcia at Rudy Andal - Pang-masa
Mindanao martial law pinalawig

Sinisilip ni Pangulong Rodrigo Duterte ang barrel ng winasak na baril sa isinagawang seremonya sa Taguig City sa pagwasak ng mga nakumpiskang baril sa mga Maute sa naganap na Marawi siege. KJ Rosales

MANILA, Philippines — Lumusot sa Kongreso ang hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagpapalawig pa ng martial law sa Mindanao matapos makakuha ng boto mula sa 240 mambabatas.

Dalawampu’t tatlong mambabatas sa Kamara at 4 na senador lamang ang kumontra sa panukalang extension.

Nakatakda na sanang magwakas ang martial law sa Mindanao ngayong Dis­yembre 31, 2017 dahil na rin idineklara nang malaya mula sa teroristang grupo ang Marawi.

Matatandaang ang sigalot sa Marawi ang dahilan kung bakit nagdeklara ng martial law si Duterte noong Mayo 24 sa kalagitnaan ng kaniyang pagbisita sa Russia.

Sa sulat niya sa Kong­reso, sinabi ni Duterte na nais niyang manatili ang martial law sa Mindanao hanggang Disyembre 31, 2018 upang puksain ang nakaambang banta ng mga aktibong terorista gaya ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at New People’s Army.

Ito na ang ikalawang extension ng martial law sa Mindanao.

Matatandaan na noong Hulyo 22 nang magkaroon ng special session ang kongreso para pagbigyan ang extension ng Martial hanggang Disyembre 31 matapos ang 60-day period na idineklara ni Pangulong Duterte noong Marso 23 matapos ang pag-atake ng teroristang Maute  sa Marawi City.

Bagama’t kinuwestyon ng ibang hindi pabor sa martial law na Senador at kongresista ang haba ng extension ito naman ay ipinagtanggol ng ilang Mindanaoan solon.

Ayon kay Lanao del Norte Rep. Mohamad Khalid Dimpaoro na iba ang sitwasyon sa kanilang lalawigan noong unang nagdeklara ng martial law dahil sa ngayon ay nararamdaman nila na ligtas sila dahil sa presensya ng Armed Forces of the Philippines sa mga lugar sa Mindanao.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with