Alvarez: Sereno tiyak na mai-impeach
MANILA, Philippines — “Tiyak umanong mai-impeach sa Kamara si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno”.
Ito ang inihayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez dahil sa mabigat umano na basehan ng reklamo na isinampa ni Atty. Larry Gadon at maging ang testi monya ng mga mahistrado at opisyal ng Korte Suprema hindi nakokontra ng Punong Mahistrado dahil sa hindi nito pagharap sa hearing.
Mayroon umanong presumption of credibility ang mga taga Korte Suprema na matapang na humarap sa impeachment hearing hindi tulad ni Sereno na takot humarap sa katotohanan.
Ipinaliwanag pa ni Alvarez na ang bintang na treason ni Justice Francis Jardeleza kay Sereno ay swak na swak sa betrayal of public trust.
Ayon pa kay Alvarez na hindi niya pinangungunahan ang House Justice Committee,subalit inaasahan niyang matatapos ang impeachment hearing sa Enero at maiaakyat ang articles of impeachment sa Senado.
- Latest