Du30 sa transport groups: Tingnan natin!
MANILA, Philippines — “I don’t care if we go into a turmoil. That is what I like, I thrive best under turmoil”.
Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mensahe kahapon sa conferment ng mga child-friendly Municipalities and Cities sa Malacañang at desidido ito na isulong ang PUV modernization sa susunod na taon sa kabila ng banta ng mga transport group na magsagawa ng welga upang tutulan ito.
Binantaan ni Pangulong Duterte na ang mga sasakyang hindi susunod sa PUV modernization ay ipapahila niya at nakahanda ang gobyerno sa anumang plano ng transport groups tulad ng PISTON para tutulan ang transport modernization program.
“I’m preparing the Armed Forces to buy rubber bullets, truncheons; I don’t care if we go into a turmoil. I like that. I thrive in turmoil,” dagdag pa ng Pangulo.
“Itong PISTON hindi raw sila susunod, I am preparing AFP at pulis, tingnan natin,” giit pa ni Pangulong Duterte kahapon.
Magugunita na inanunsiyo na mismo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ipapatupad na nila ang transportation modernization program simula sa Enero 2018 kung saan ay hindi na papayagang bumiyahe ang mga lumang mga jeepney.
- Latest