Bato may nakahandang puwesto sa gobyerno
MANILA, Philippines — Bago ang kanyang pagreretiro ay inianunsyo kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Ronald “Bato” dela Rosa na bibigyan siya ng puwesto sa gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Tumanggi muna si Dela Rosa na ianunsyo ang posisyong kaniyang hahawakan kapag nagretiro na siya bilang PNP Chief.
Si Dela Rosa, produkto ng Philippine Military Academy (PMA) Sinagtala Class 1986 ay nakatakda nang magretiro sa Enero 21 ng susunod na taon sa pagsapit nito sa mandatory age retirement sa gulang na 56 anyos.
“Sinabihan ako ni Presidente kung ano pupuntahan ko pero napakahirap na trabaho nyan. Everyone failed in that agency. Bahala na kayo mag-isip,” pahayag ni dela Rosa.
Sinabi ni Dela Rosa na sinabihan siya ni Pangulong Duterte na wakasan ang korapsyon sa nasabing ahensya na malapit na siyang maging susunod na pinuno.
- Latest