^

Police Metro

Magsyota inutas ng parak

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Niratrat ng isang naburyong na pulis ang isang magkasintahan sa loob ng kanilang bahay kamakalawa ng hapon sa Dupax del Sur, Nueva Vizcaya.

Namatay noon din ang biktimang si Joseph Agravante, 29, namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang nobya nitong si Edeliza May Mae Manuel, 26, residente ng Bambang.

Napatay naman ng mga nagrespondeng pulis ang suspek na si PO2 Gerwin Goze,may-asawa, miyembro ng Dupax del Sur Police.

Batay sa ulat, dakong alas-4:00 ng hapon ay nasa loob ng bahay ang magkasintahan na matatagpuan sa Brgy. Balzain nang sumugod ang naka-unipormeng si Goze, at hinahanap sa mga biktima ang kasintahang si Florenda.

Nang sabihin ng magkasintahan na wala doon ang hinahanap ay agad na sila ay niratrat ng dalang M16 rifle at cal 9 MM service pistol.

Nabatid na nakipaghiwalay si Florenda sa suspek nang malaman na mayroon na itong asawa bagay na hindi matanggap ng suspek.

Rumesponde ang mga pulis at dito ay nakipagbarilan ang suspek na nasawi noon din.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with