^

Police Metro

Pulutan inubos, anak pinatay ng tatay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hinataw ng kahoy na dos por dos sa ulo ng isang ama ang kanyang 19-anyos na anak na lalaki matapos na ubusin nito ang kanilang ulam na naganap kamakalawa ng gabi sa harap ng kanilang bahay sa Sitio Masiko, Brgy. Cag­layan, Conner, Apayao.

Ang biktima na namatay habang nilalapatan ng lunas sa Conner District Hospital dahil sa internal hemorrhage ay kinilalang si John Paul Molina, Grade VII student  sa Cupiz Elementary School.

Ang suspek na kinasuhan ng parricide ay kinilalang si Roberto Molina Sr., 41.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-6:30 ng gabi sa harap ng bahay ng mag-ama ay kasalukuyang nag-iinuman ang suspek at kabarkada nitong si Joseph Bayaua.

Nang kukunin ng suspek ang ulam para ito ay kanilang gawing pulutan ay ubos na ito kaya’t galit na galit nitong tinawag ang anak at paglapit ay agad na hinambalos ng dos por dos na kahoy sa ulo sa matin­ding galit.

Bumagsak ang biktima na sumakit ang ulo at nagsuka bunsod upang isugod ito sa pagamutan.Gayunman dahilan sa internal bleeding sa ulo ay binawian ito ng buhay dakong alas-1:00 ng madaling araw.

Agad na nasakote naman ng mga pulis ang ama na sising-sisi sa pagpatay sa anak.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with