^

Police Metro

Mister itinumba sa harap ng misis

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mistulang nabuwal na puno ng saging ang isang mister matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem sa harap mismo ng kanyang misis sa Caloocan City, kahapon ng umaga.

Naliligo sa sarili niyang dugo matapos bumulagta ang biktimang si Carlito Ramirez, nasa hustong gulang, at naninirahan sa Phase 7 Brgy. 176 Bagong Silang, ng naturang lungsod.

Agad namang tumakas ang mga di natukoy na suspek.

Sa ulat ng Caloocan City Police-North Extension Office, sakay ng isang motorsiklo si Ramirez at ang kanyang misis na hindi na binanggit ang pangalan sa may Phase 7 sa naturang barangay dakong alas-8 ng umaga nang makasalubong sa isang eskinita ang dalawang salarin na sakay rin ng motorsiklo.

Agad na naghinala ang biktima na inikot ang minamanehong motorsiklo upang tumakas ngunit naunahan pa rin sila ng mga salarin na agad na pinagbabaril si Ramirez nang malapitan. Hindi naman ginalaw ng mga gunman ang misis ng biktima na iniwan nilang umiiyak sa bangkay ng kanyang mister.

Nabatid na bodyguard si Ramirez ni Barangay Bagong Silang Chairman Joel Bacolod. 

Blangko pa ang pulisya sa tunay na motibo sa pamamaslang.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with