^

Police Metro

Tapyas-presyo sa langis ngayon

Lordeth B. Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines — Muling nagpatupad na tapyas-presyo sa gasolina at kerosene ang mga kumpanya ng langis ngayong araw na ito. Pinangunahan ng Flying V ang oil price rollback, na nagbawas ng P0.25 kada litro sa gasolina, P0.15 kada litro sa kerosene, na epektibo ngayong alas-12:01 ng madaling araw.

Wala namang paggalaw sa presyo ng diesel. Sumunod naman ang Pilipinas Shell, Phoenix Petroleum Philippines, PTT, Eastern Petroleum at iba pang kompanya ng langis na epektibo naman ng alas-6:00 ng umaga.

Asahang susunod na ring maglalabas ng anunsiyo ang iba pang kompanya ng langis  ng oil price rollback  sa kahalintulad na halaga.

Ang naturang oil price adjustment ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan. Matatandaan na nito lamang nakaraang linggo ay nagpatupad ng bawas presyo ang mga oil companies ng  P0.30 kadsa litro sa diesel at P0.30 kada litro sa kerosene habang wala namang paggalaw sa presyo ng gasolina.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with