^

Police Metro

P57.5-M shabu shipment, nasabat

Mer Layson - Pang-masa
P57.5-M shabu shipment, nasabat

Iniinspeksyo ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Ninoy Aquino International Airport - Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang nasabat na nasa P57.5 milyong halaga ng shabu sa Pasay City. Boy Santos

MANILA, Philippines — Hindi nakalusot sa pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Ninoy Aquino International Airport-Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang dalawang magkasunod na shipment na idineklarang mga laruan ang laman subalit nadiskub­reng ito pala ay shabu na tinatayang nasa P57.5 milyon ang halaga sa cargo office ng isang deliver courier service sa Pasay City, nitong nakaraang Nobyembre 29 at Disyembre 4.

Ayon kay PDEA Director General Aaron N. Aquino, ang mga naka-paketeng shabu ay nadiskubre sa tulong ng K9 dog at x-ray screening sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), nang magsagawa ng random check-up ang airport operatives.

Nabatid na ang dalawang bagahe ay ipinadala ng isang Tyler Wilson na may nakasaad na tirahang 4313 Sepulveda Blvd., Culver City, California 90230.

Ang consignee ng mga kargamento ay sina Ro­gelio Almodiel ng 11 North Stanford Residence, Tower 2, Upper McKinley Road corner Florence Way Road, Taguig City, at Hasmine Erquiza ng 32 Vicente Espana Subd., Brgy. Tatalon, Quezon City.

Lumilitaw na ang ­unang parcel, na nasa anim na kilo at nagkakahalaga ng P30 milyon, ay nasabat noong Nobyembre 29, dakong alas-8:00 ng gabi ng PDEA Regional Office – National Capital Region sa ilalim ni Director Ismael Fajardo, Jr., at NAIA –IADITG.

Ipinadala ito sa bansa sa pamamagitan ng isang multinational courier deli­very service na nakabase sa Andrew Avenue, Pasay City at idineklarang mga laruan.

Samantala, dakong alas-10:30 naman ng umaga Disyembre 4, nang masabat ang isa pang bagahe.

Nakapangalan ito kay Erquiza at may lamang 5.5 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P27.5 milyon.

Idineklara ring mga laruan ang laman ng bagahe.

Sinabi  ni Aquino na kapwa hindi naman matagpuan sa naturang address sina Almodiel at Erquiza.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with