^

Police Metro

Ama nangulila sa anak, nag-suicide

Boy Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinaniniwalaang ma­tinding pagdadalamhati at pangungulila dahil sa pagkamatay ng anak na lalaki ang dahilan upang magpasiya ang isang ama na kitilin na lamang nito ang kanyang buhay matapos itong matagpuang wala nang buhay sa kanilang bahay sa Brgy. Sumandig sa bayan ng San Ildefonso, Sabado ng umaga.

Nakahandusay sa kama at tigmak sa sarili nitong dugo na umaagos pa mula sa kanyang ulo, bunsod ng tama ng bala ng baril, ang biktima ay kinilalang si Jaime Alvaro 49, negosyante at residente ng Brgy.Sumandig sa natu­rang bayan.

Sa ulat ni PO1 Mark Gil Cruz dakong alas 10:00 ng umaga habang nagpapa­hinga ang kanyang misis at anak nilang babae, nang bigla na lamang umanong nakarinig sila ng isang putok mula sa loob ng kuwarto ng ama.

Nang kanilang tingnan ay tumambad na sa mag-ina ang patay nang mister sa kama at naliligo sa sarili nitong dugo.

Ayon naman sa asawa at anak na babae, naging malungkutin ang biktima dahil sa maagang pagkamatay ng anak nitong lalaki na nasangkot sa isang road accident may ilang buwan na ang nakakalipas at marahil ay hindi nito natanggap ang sinapit ng kanilang anak.

Narekober ng pulisya sa loob ng kuwarto ang isang Super .38 Pistol na pag-aari ng biktima, isang basyo ng bala at mga katagang nakasulat sa pader na nagsasabing; “pagod na pagod na, bahala ka na”.

Patuloy pa rin ang im­bestigasyon ng pulisya sa naturang insidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with