^

Police Metro

Holdaper dedbol sa parak

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bumulagta noon din ang isang holdaper nang barilin ito ng isang pulis na kanyang tinangkang holdapin, habang mabilis naman nakatakas ang dalawa pa niyang kasama, sa Brgy. Maybunga, Pasig City kamakalawa ng gabi.

Hindi pa matukoy ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan sa suspek na nabaril at napatay ni PO1 Lester Galong, 32-anyos, miyembro ng Police Community Precinct 4 (PCP-4) ng Pasig City Police, at residente ng Kalingangan St., Brgy. Caniogan, ng naturang lungsod.

Sa inisyal na ulat ni PO2 Danilo Damasco, ng Pasig City Police, dakong alas-11:30 ng gabi nang pauwi na umano si PO1 Galong mula sa kanyang duty sakay ng kanyang motorsiklo na may plakang 4249 IW nang siya ay harangin ng tatlong suspek sa may Javier Bridge sa Brgy. Maybunga.

Itinulak umano si PO1 Galong ng isa sa mga suspek dahilan upang mawalan siya ng balanse at bumagsak sa kalsada.

Dito na umano nagpakilala si PO1 Galong na isa siyang alagad ng batas. Ngunit bigla siyang sinugod ng isa pang suspek at sila’y nagbuno hanggang siya’y tangkaing saksakin ng suspek.

Nakatiyempo si PO1 Galong na mabunot ang kanyang service firearm at nagpaputok ng war­ning shot.

Subalit sa halip na tumigil ang mga suspek ay muli siyang sinugod ng saksak dahilan upang idepensa na ni PO1 Galong ang kanyang sarili at napilitang pagbabarilin ang suspek.

 Lumilitaw na unipormado naman ang pulis nang maganap ang krimen, ngunit posible umanong hindi kaagad nalaman ng mga suspek, na pulis ang kanilang tinangkang hol­dapin, dahil sa madilim sa lugar at nakasuot pa ng jacket ang biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with