^

Police Metro

Daan-daang riders nagprotesta vs MMDA

Danilo Garcia - Pang-masa
Daan-daang riders nagprotesta vs MMDA

Nagsagawa kahapon ng kilos-protesta ang daan-daang motorcycle riders sa EDSA People Power Monument upang kondenahin ang mga polisiya na ipinapatupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa kanila, lalo na ang planong i-ban ang motorsiklo sa EDSA. Michael Varcas

MANILA, Philippines — Daan-daang mga motorcycle riders ang nagsagawa ng kilos-protesta sa People Power Monument sa EDSA upang tutulan ang mga polisiya na ipinatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kabilang ang implementasyon ng “motorcycle lane” at planong ipagbawal na ang mga motorsiklo sa EDSA.

Nagsagawa ng tinatawag na “Unity Ride” ang iba’t ibang riders na bumubuo ng Riders of the Philippines (ROTP) at ibang mga rider’s group sa EDSA. Pagsapit sa tapat ng tanggapan ng MMDA sa may Orense Drive sa Makati City, huminto ng ilang minuto ang mga riders at nagsagawa ng “noise barrage” sa pamamagitan ng pagbusina upang kalampagin ang ahensya.

Kasama sa mga ipino-protesta ang implementasyon ng ilang munisipalidad sa pagbabawal na magsuot ng helmet at maging mga gamit na pantakip sa mukha laban sa polusyon, riding-in-tandem ordinance, pagbabawal sa mga LED at ibang auxiliary lights at iba pang modipikasyon.

Sinabi naman ni Jobert Bolanos, kumakatawan sa Motorcycle Rights Organization (MRO) na walang batas na sumasakop sa ipinatutupad umanong diskriminasyon ng pamahalaan sa mga motorcycle riders na nagbabayad rin umano ng parehong “road users tax” at iba pang mga bayarin kapag nagpaparehistro ng sasakyan.

Sa kabila ng paggiit ng MMDA na panguna­hing sanhi ng aksidente ang mga motorsiklo at pagbubuhol sa trapiko, iginiit ng grupo na baligtad ito dahil sa pagiging “flexible” ng mga motorsiklo na pinakamabilis na uri ng transportasyon habang itinuro ang mas nakararaming mga pri­bado at pampublikong behikulo na hindi mapigilan ang pagbebenta.

Ipinaliwanag naman ni MMDA spokesperson Celine Pialago na kapag may aksidenteng nagaganap, maaaring kainin nito ang dalawang lanes sa EDSA at ang oras ng pagresponde ng mga rescuers na aabot ng 20-30 minuto kaya nagdudulot ang aksidente sa mga motorsiklo ng mabigat na trapiko.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with