^

Police Metro

Mason inutas ng kabaro

Ludy Bermudo - Pang-masa

76-anyos lola pinag-awayan…

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang 50-anyos na kantero o mason matapos itong pagtulu­ngang bugbugin at makaraan ay pagsasaksakin ng isang mag-utol na kapwa nito mason, bunsod ng selosan sa isang 76-anyos na lola, sa Baseco, Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Wala nang buhay at naliligo sa sarili nitong dugo ang biktimang kinilalang si Leon Gammad Y Languido, residente ng no, 104 Block 17-A, Baangay 649, Baseco, Port Area, Maynila dahil sa tinamong mga saksak sa katawan.

Agad namang tumakas at patuloy ang pagtugis ng mga otoridad sa mga suspek na kinilalang sina Dominador Pajanustan alyas “Kabayan”, at nakababatang kapatid na si alyas “Payat” Pajanustan, kapwa residente ng Baseco.

Sa ulat ni PO3 Ryan Jay Balagtas ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas 9:45 ng gabi nitong Sabado sa tindahan ng isang Violeta Dela Rosa Y Pinoringan, 76-anyos, sa Block 18, Brgy. 649, Zone 66, 2nd Street, Tacoma Compound, Baseco, Port Area.

Sa ulat, nakikipag-inuman ang biktima sa isang Victor Llaguno, sa suspek na si Payat, at isang alyas “Muslim” sa tindahan.

Iniyabang umano ni Llaguno sa kanyang mga kainuman na ka-relasyon umano ni Gammad si Violeta.

Dahil sa tinuran ni Llaguno ay nagselos at nagalit umano si Payat kay Gammad sapagkat ito raw ay masugid na nanliligaw kay Violeta.

Nauwi sa kumprontas­yon hanggang sa nag-away si Gammad at Payat. Mula dito ay umalis saglit si Payat at pagbalik ay kasama na nito ang kanyang kapatid na si Kabayan.

Pinagtulungan na ng mag-utol na bugbugin si Gammad.  Pinaghahataw ng kahoy at bote sa ulo at walang humpay na pinagsasaksak hangggang sa ito’y mapatay bago mabilis na tumakas.

Bigo namang maaresto ang magkapatid na suspek nang magsagawa ng follow-up operation ang Baseco Police Community Precinct.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with