^

Police Metro

Karambola sa kalsada: 2 dedbol

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang driver at ang pahinante nito at apat ang sugatan makaraang magkarambola ang tatlong sasakyan nang mawalan ng preno ang isang dump truck at suyurin ang sinusundan nitong trak at kasalubong na motorsiklo sa Rodriguez, Rizal, kahapon ng madaling araw.

Naisugod pa sa Ynares Hospital subalit idineklara ring dead-on-arrival bunsod ng matinding pinsala na tinamo sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang dalawang biktima na kinilalang sina Enriquito Orquin, drayber, at helper nitong si Paulino Casas.

Sugatan namang isinugod sa Amang Rodriguez Medical Center sina Edwin Miday, Aurora Miday at Larry Conjusur, Roy Almuguera.

Batay sa ulat, naganap ang karambola dakong ala-1:00 ng madaling araw sa kahabaan ng Don Mariano Marcos Ave. Extension sakop ng Barangay San Jose, Rodriguez, Rizal.

Sinasabing parehong binabagtas ng mga nasabing sasakyan ang kalsada nang pagdating sa palusong na bahagi ng lugar ay nawalan umano ng preno ang trak na minamaneho ni Orquin dahilan upang una itong sumalpok sa trak na nasa kanyang unahan at nadamay din ang paparating na motorsiklo na minamaneho ni Miday.

Mabilis namang sumaklolo ang mga residente sa lugar gayundin ang pagresponde ng awtoridad at dinala ang mga sugatang biktima sa pagamutan subalit sawing-palad naman sina Orquin at Casas na hindi na umabot nang buhay sa naturang pagamutan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with