^

Police Metro

PNP, AFP walang christmas break

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa mas pi­naigting na kampanya sa paglipol sa mga te­roristang New People’s Army (NPA), kanseladoang lahat ng bakasyon ng mga elemento ng pulis­ya at mga sundalo ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos, wala muna umanong bakasyon ang mga pulis lalo na sa mga kanayunan upang higit  na mapaigting pa ang pagbabantay at opensiba laban sa teroristang grupo ng NPA, ang armed wing ng Communist Party of the Philippines –National Democratic Front (CPP-NDF).

“On Christmas eve and New Year’s eve wala pong pulis na naka-leave, kung nasaan ka sa mga panahong ‘yun, ikaw ay kailangan mag report sa police station bago mag alas-singko ng hapon at ikaw ay duty bago mag alas-singko ng umaga,” pahayag ni PNP Spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos.

Sinabi naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na maging ang mga tropa ng militar ay wala rin munang bakasyon upang matutukan ang opensiba laban sa NPA terrorists na target malipol ng administras­yon.

Aniya, bukod sa NPA terrorists ay magpapatuloy din ang opensiba laban sa mga bandidong Abu Sayyaf Group, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at ma­ging sa iba pang mga grupong banta sa pambansang seguridad.

Idinagdag pa ni Lorenzana na target din ng kanilang operasyon ang mga consultants, li­der at mga miyembro kung saan ngayong idineklara na ang mga itong terorista ay maaari nang ipatupad ang pag-aresto laban sa mga ito.

Sa kasalukuyan, nasa full alert status ang PNP laban sa NPA re­bels katuwang ang AFP troops na handang arestuhin ang mga opisyal, consultants at mga mi­yembro ng komunistang grupo na idineklara ng terorista ni Pangulong Rodrigo Duterte.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with