^

Police Metro

4-anyos Koreano hulog mula 39th floor, todas

Lordeth B. Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tiyak na kamatayan ang sinapit ng isang 4-anyos na Koreano makaraang aksidente itong mahulog mula sa ika-39 palapag sa tinitirhan nitong condominium sa Taguig City, kahapon ng tanghali.

Wala nang buhay nang idating sa Saint Luke’s Hospital, Bonifacio Global City (BGC) ang biktimang si Kim Do Young, pansamantalang nanunuluyan sa Two Serendra, Fort Bonifacio ng naturang siyudad, bunsod ng tinamong matinding pinsala sa ulo at katawan matapos itong lumagpak sa ground floor.

Sa report ni Southern Police District (SPD) Police Chief Supt. Tomas Apolinario Jr., dakong alas-12:05  ng tanghali kahapon nang maganap ang insidente sa naturang condominium, harapan ng SM Aura.

Hindi pa mabatid kung naglalaro ang biktima sa terrace ng inookupahang condo unit nang maganap ang pagkahulog nito.

Pagkalagapak ng biktima sa ground floor ay mabilis naman itong dinala sa nabaggit na pagamutan, subalit idineklara ring dead-on-arival ng mga doktor

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Taguig City Police sa nasabing insidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with