^

Police Metro

3 Sayyaf kidnaper utas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tumumba noon din ang tatlong kidnaper na miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) matapos pumalag at makipagbakbakan sa tropa ng militar sa naganap na engkuwentro sa Sitio Buling-Buling, Brgy. Suuh, Panamao, Sulu nitong Biyernes ng hapon.

Ayon kay Brig. Gen. Cirilito Sobejana, Commander ng Joint Task Force (JTF) Sulu, ang mga napatay na bandido na inaalam pa ang mga pagkakakilanlan ay pawang mga tauhan ng grupo ni Commander Radullan Sahiron.

Ayon pa sa heneral ay siyam pa ang mga bihag kabilang ang limang dayuhan ang sinisikap na masagip ng tropa ng sundalo sa lalawigan.

Dakong alas- 2:30 ng hapon nang ikasa ang ope­rasyon ng Marine Forces ng JTF Sulu nang makaengkuwentro ang nasa 20 armadong bandido.

Nagkaroon ng palitang ng putok sa pagitan ng magkabilang panig na tinatayang tumagal ng higit sa sampung minuto hanggang sa umatras at magsitakas ang mga bandido habang iniwan nila ang tatlong patay sa kanilang hanay.    

Narekober naman sa pinangyarihan ng bakbakan ang isang M16 rifle at isang kalibre 45 baril. 

Wala namang naiulat na nasugatan at nasawi sa panig ng tropa ng militar.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with