^

Police Metro

Full refund hingi ng DOH sa Sanofi

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa posibleng magkaroon ng “severe dengue” ang mga nabakunahan ng Dengvaxia na hindi pa nadadapuan ng dengue na nagbunsod upang mag-panic ang mga magulang ng batang nabakunahan ay hihingin ng Department of Health ang full refund mula sa Sanofi Pasteur na manufacturer ng Dengvaxia.

Sa pahayag ni Health Secretary Francisco Duque III, tinitingnan na ng kanilang legal team ang accountability ng pharmaceutical company at papalo sa mahigit tatlong bilyong piso ang ibinayad ng DOH sa Sanofi para sa procurement ng mga bakuna.

Maliban sa refund, nais din ng DOH na maglaan ang Sanofi ng indemnification fund para sagutin ang hospital expenses ng mga batang maaaring tamaan ng malalang dengue.

Gayunman, sinabi pa ni Duque na handa ang Philhealth na isama sa coverage ang pagpapagamot ng mga batang may severe dengue.

Maaaring maka-avail ng P16,000 na Philhealth coverage ang bawat pasyente na may severe dengue.

Samantala,patuloy naman  ang  pag-update ng listahan ng mga batang siyam na taong gulang pataas bilang bahagi ng pinaigting na surveillance ng kagawaran. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with