Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

50kph speed limit ikakasa sa EDSA

MANILA, Philippines — Dahil sa marami pa ring nagaganap na aksidente sa Edsa ay pinaplano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ibaba pa sa 50 kilometro kada oras ang “speed limit” dito.

Ayon kay MMDA asst. manager for planning Jojo Garcia na ipinanukala nila ito sa isang pagdinig sa Kongreso bilang isa sa paraan nila para mapababa ang nagaganap na aksidente sa kahabaan ng EDSA. 

Batay sa kanilang Metro Manila Accident Recording and Analysis System (MMRAS) para sa taong 2016, nasa 109,322 aksidente ang naitala sa Metro Manila na nagresulta sa pagkasawi ng 446 na tao at nasa 37.34% ng aksidente ay naganap tuwing gabi habang 62.65% ay naganap ng may araw pa.

Nabatid na inaprubahan ang nasabing panukala sa pinakahuling pulong ng Metro Manila Council (MMC) na binubuo ng mga kinatawan ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila at siyang pinagbabasehan ng mga polisiyang ipinatutupad ng MMDA.

Nakasaad din sa datos ng MMRAS na nasa 50 kalsada sa Metro Manila ang mapanganib sa mga motorista kabilang ang malaking bahagi ng Edsa, Commonwealth Avenue, C4 Road, Osmeña Highway, Marcos Highway, C5 Road at iba pa na kung saan ay nangunguna ang motorsiklo sa pinakamaraming aksidente na may nasawi sa bilang na 218, trak (103), at mga kotse/SUV (98).

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: