Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Zip Lane 2018 inilarga

MANILA, Philippines — Inaasahan nang makakatipid sa gastos at oras ang publiko sa pagkuha ng ilang dokumento sa mga concerned government offices partikular ang mga walang internet connection at malalayo sa mga tanggapan ng gobyerno.

Ito ay matapos kumpirmahin  ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rollout ng 3,000 service location  na tinawag na Zip Lane 2018 para sa internet connectivity at payagan ang mga online application at printing ng clearances at dokumento lalo na sa mga malalayong lugar.

Unang mabibigyan ng zip lane ang 1000 Philpost branches o location na magsisilbing online center para sa application at processing ng mga government agency clearances na kailangan ng mga mamamayan.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: