Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Programa ng pamahalaan mapapanood na sa mga liblib na lugar

MANILA, Philippines — Masayang ibinalita ni Presidential Comminications Sec. Martin Anda­nar na malapit nang mapanood ang mga prog­rama at video ng pamahalaan hanggang sa mga liblib na lugar na hindi abot ng signal ng government tv at radio station.

Ito ay matapos na magbigay ng go signal si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa proyekto ng PCOO na Government Satellite Network o GSN sa 2018.

Anya, kayang mag-transmit ng mga go­vernment video, images, audio at data content ang GSN hanggang sa mga malalayong isla at bulubunduking lugar sa bansa sa pamamagitan ng advance satellite at  IP-tv technology o Internet Protocol television.

Kinumpirma rin ni Andanar na magbibigay din ito ng multiple 4k teleconference communication, internet delivery capability at multiple tv channel at hindi lang government stations.

Maaaring mai-rollout ang naturang proyekto sa 42,000 barangay hall, mga PCOO attached agencies at Out of Home media nationwide sa loob ng 6 na buwan oras na maplantsa na ang lahat ng legal work kabilang ang bidding matters.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: